--Ads--

Matagumpay na naidaos ang binyag ni Baby Star na sinaksihan ng kanyang mga magulang na kapwa mga former rebel na nagbalik loob sa pamahalaan sa San Lorenzo Ruiz De Manila chapel sa 5th Infantry Division Philippine Army.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Melvin Asuncion ang DPAO chief ng 5th infantry Division Philippine Army sinabi niya na tumayo bilang God Parents ni Baby star si MGen Gulliver Señires at iba pang opisyal ng militar.

Si Baby Star ay isinilang noong Enero 17, 2025 sa Camp Melchor F. Dela Cruz Station Hospital ilang linggo lamang mula nang sumuko sa pamahalaan ang kanyang ina.

Ang kanyang mga magulang ay kapwa kasapi ng New People’s Army at miyembro ng tribong “Agta” sa Rizal, Cagayan.

--Ads--

Kamakailan, nagbalik-loob sila sa pamahalaan at piniling yakapin ang landas ng kapayapaan at kaunlaran sa Probinsya ng Cagayan.

Si alyas Jeff, ang ina ni Baby Star, ay naging emosyonal sa maikling programa matapos ang seremonya.

Lubos ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng 5ID sa pagsuporta at paggabay sa kanilang ligtas na pagbabalik sa mainstream na lipunan.

Samantala, nakatakdang iuwi na ng kaniyang Pamilya ang labi ni Alyas Dondon sa Cotobato.

Ayon kay Lt. Col. Asuncion na hinihintay nalang ang C130 plane na magdadala sa labi nito sa kaniyang Bayang sinilangan sa Cotobato at naihanda na ang lahat ng kinakailangan para sa paguuwi sa labi ng nasawing rebelde.