--Ads--

Una rito ay natagpuang wala ng buhay ang isang CAFGU matapos nitong pagbabarilin ang kanyang tatlong kasamahan na kasapi ng Delta Company, Civilian Active Auxillary ng 54th Infantry Battalion sa Sitio Mt. Polis, Brgy. Viewpoint Banaue, Ifugao.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulisya na ang suspek kasama ang mga biktima ay nagkaroon ng inuman sa loob ng mess hall.

Ayon kay Jherowin Numbunal Pepe, narinig nito na nakikipag usap ang suspek kay Dulnuan tungkol sa mga isyu kung saan sinabihan siya nitong pag-usapan at ayusin nalang kinabukasan.

Dagdag pa ni Pepe, sinubukan niyang pakalmahin ang suspek ngunit agad nitong kinuha ang kanyang M16 armalite rifle at agad itong bumalik sa mess hall kung saan sila nag-iinuman.

--Ads--

Nakarinig umano si Pepe ng sunod sunod na putok ng baril kayat agad itong nagtungo sa mess hall at doon niya nakita ang suspek na nakahawak sa kanyang baril.

Isinaad naman ng saksi na si Elmer Mundangis Ayahao na nakita niya ang suspek na itinutok ang kanyang M16 rifle patungo sa kanyang ulo at binaril ang sarili.

Ang biktima na sina Dulnuan at Maguiwe ay agad na binawian ng buhay samantala si Bumad-ang naman ay naitakbo pa sa Bontoc General hospital ngunit binawian din ng buhay.

Napag-alaman na ang suspek ay may problema sa pamilya dahilan upang magawa niya ang krimen.