--Ads--

Hinimok ni US Defense Secretary Pete Hegseth ang mga alyado sa Asya na taasan ang kanilang defense spending sa 3.5% ng kanilang GDP upang tapatan ang mabilis na pagpapalakas ng militar ng China at pigilan ang pagdomina nito sa rehiyon.

Sa kanyang talumpati sa Shangri-La Dialogue sa Singapore, binigyang-diin ni Hegseth na ang mas matatag at may sariling-kakayahang mga kakampi ang susi sa rehiyonal na balanse at seguridad, kasabay ng pangako ng US na magpupuhunan ng $1.5 trilyon sa sarili nitong militar.

Nilinaw naman ng pinuno ng Pentagon na katatagan at hindi tensyon ang hangad ng mga alyado, at binanggit na mas mabuti pa nga ang ugnayan ng Washington at Beijing ngayon kumpara sa nakalipas na mga taon dahil sa mas madalas na komunikasyon ng kanilang mga hukbo.