--Ads--

Wagi ang Women’s Philippine Softball Team sa Semifinal match laban sa Ermont City at kanilang kakaharapin ang isa sa magagaling na french selection team sa araw ng linggo.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Dick Villanueva, ang Association Sportive Culturelle Des Philippines ay unang lumaban sa championship noong 2022 kung saan nakalaban din nila ang Ermont City Softball Club.

Muling nagharap ang dalawang koponan sa semis ng French Baseball and Softball Federation nitong ikapito ng Oktubre kung saan nagwagi ang Women’s Philippine Softball Team para sila ay makapasok sa championship round.

Aniya palaban ang mga manlalaro ng Pilipinas dahil malalakas ang kanilang mga nakakalabang team ngunit umaabot sila sa championship round.

--Ads--

Hiniling naman nila ang suporta ng mga Pilipino sa pagharap nila sa magaling na french selection team.