--Ads--
Nagbitiw na sa puwesto si Tab Baldwin bilang head coach ng Ateneo Blue Eagles.
Kinumpirma ni Ateneo President Fr. Roberto Yap, SJ nitong Lunes, Hunyo 15, ang pagtanggap ng kanyang resignation.
Kasabay nito, nagbitiw rin sa tungkulin si Epok Quimpo bilang team manager ng koponan.
Ito ay sa gitna ng patuloy na imbestigasyon sa pagkasawi ng mga basketbolista na sina Rene Baterbonia at Divine Adili matapos malunod sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.
--Ads--
Nauna nang “on leave” sina Baldwin at Quimpo kasunod ng naturang trahedya.








