--Ads--

Iginiit ng ina ng yumaong basketball player na si Rene Baterbonia na hindi sapat ang paghingi ng paumanhin kaugnay ng pagkamatay ng kanyang anak, kasunod ng pahayag ni Ateneo de Manila University men’s basketball head coach Tab Baldwin matapos ang trahedya.

Sa isang post sa Facebook, sinabi nito na mas nais niya ang malinaw na paliwanag kung ano talaga ang nangyari sa insidente kaysa sa simpleng paghingi ng paumanhin. Ayon sa kanya, hindi niya matanggap ang paliwanag na aksidente lamang ang nangyari dahil naniniwala siyang kulang ang naging impormasyon na ibinigay sa kanilang pamilya.

Ipinunto rin niya na hindi sila na-update nang maayos tungkol sa insidente at wala umanong naipadalang sapat na patunay o impormasyon sa kanila kaugnay ng nangyari sa kanyang anak, kahit na naipabatid na sa publiko ang pagkamatay nito.

Samantala, unang nagsalita si Baldwin tungkol sa insidente at humingi ng paumanhin, kasabay ng pag-amin sa bigat ng trahedya para sa dalawang pamilyang nawalan ng anak. Binanggit din niya ang matinding pagdadalamhati na dinaranas ng mga naulilang magulang.

--Ads--

Ang insidente ay nagresulta sa pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divine Adili, na nagdulot ng malalim na lungkot sa kanilang mga pamilya at sa komunidad ng Ateneo basketball.