--Ads--

Kinuwestiyon ni Atty. Manases “Mans” Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, ang pagpapalabas ng kanilang tax records sa Senate Impeachment Court.

Sa pahayag, sinabi ni Carpio na bagama’t iginagalang nila ang awtoridad ng impeachment court at susunod sa mga legal na proseso, naniniwala silang may mga usaping legal na dapat pang suriin kaugnay ng pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglalabas ng kanilang mga rekord sa BIR.

Matatandaang isinumite ng BIR sa impeachment court ang tax records nina Duterte at Carpio matapos aprubahan ng Pangulo ang paglalabas ng mga ito.

Ayon kay Carpio, wala umanong indikasyon na may inilabas na tax assessment o tax deficiency ang BIR laban sa kanila. Iginiit din niya na ang legal na kabuluhan at pagiging katanggap-tanggap ng mga dokumento bilang ebidensya ay nasa pagpapasya pa rin ng Senate Impeachment Court.

--Ads--