--Ads--
Pinabulaanan ni Senate impeachment court Presiding Officer at Senator-judge Francis Escudero ang naunang pahayag ng spokesperson ng impeachment court na si Atty. Reginald “Regie” Tongol na posibleng ilabas sa Disyembre 16 ang final verdict sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos kuwestiyunin ni Senator-judge Raffy Tulfo ang naturang pahayag at tawagin itong “fake news.”
Ayon kay Tulfo, maaaring panahon na upang pagsabihan o admonish ang spokesperson dahil ilang beses na umano itong nagkamali sa mga inilalabas na impormasyon.
Samantala, nilinaw ni Escudero na hindi pa itinakda ang Disyembre 16 bilang petsa ng magiging hatol sa impeachment case.
--Ads--











