--Ads--

Nakapagtala ng bagong Guinness World Record ang isang kite enthusiast sa Australia matapos mapalipad ang kanyang saranggola nang 26 hours, 15 minutes at 15 seconds.

Si Angus Johnstone mula Kyneton, Australia ang nagsagawa ng record attempt sa Killarney, Victoria, gamit ang kulay asul at lila na saranggola bilang bahagi ng fundraising campaign para sa mga health at education project sa Myanmar.

Nagsimula ang kanyang pagtatangka noong Marso 14 at natapos kinabukasan. Bukod sa record, nakalikom din siya ng 18,843 Australian dollars para sa mga proyekto sa Myanmar.

Nagsimula ang hilig ni Johnstone sa kite flying noong COVID-19 pandemic at kalaunan ay nalaman niyang bahagi rin ito ng kulturang Burmese. Dahil dito, ginamit niya ang kanyang hobby upang makatulong sa mga apektado ng kaguluhan sa Myanmar.

--Ads--

Minonitor naman ng 10 official observers at dalawang timekeeper ang kanyang pagtatangka upang matiyak ang opisyal na rekord.