--Ads--
Namahagi ng tulong pinansiyal sa mga former rebels o dating miyembro ng mga makakaliwang grupo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa San Mariano, Isabela nitong April 10.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2, sinabi niya na sa pamamagitan ng Serbisyo Caravan ay nabigyan ng 5,000 pesos ang 53 former rebels sa naturang bayan katuwang 502 infantry brigade at ilang sangay ng ahensya.
Aniya, kabilang ang mga ito sa mga vulnerable sector kaya kinakailangan lamang na maiparamdam sa mga ito ang kalinga ng pamahalaan.
Tiniyak naman ni Alan na mapagkakalooban ng tulong ang lahat ng mga nagnanais magbalik-loob sa pamahalaan.
--Ads--











