--Ads--

Isang babae ang inaresto ng mga awtoridad matapos makuhanan ng halagang ₱1,650,000.00 sa loob ng kanyang sasakyan habang dumaraan sa isang Comelec checkpoint sa Barangay Poblacion West, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.


Pinara ng mga tauhan ng Science City of Muñoz Police Station ang isang Hyundai Accent na minamaneho ng suspek na kinilalang si “Reg,” may asawa at residente ng Brgy. Calipahan, Talavera, Nueva Ecija.


Habang kinakausap ng checkpoint team ang driver, napansin ng mga pulis ang isang bahagyang nakabukas na eco-bag sa loob ng sasakyan na tila puno ng salapi.Nang tanungin, kusa umanong inamin ng babae na ang bag ay naglalaman ng ₱1,650,000.00. Dahil dito, agad siyang inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon.


Kasalukuyan nang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 28 ng Comelec Resolution No. 11104, na nagbabawal sa pagdadala ng malaking halaga ng pera sa panahon ng halalan maliban kung ito ay may kalakip na legal na dokumento.

--Ads--