--Ads--

CAUAYAN CITY- Hinihinalang kagagawan ng riding in tandem criminal ang pagbaril patay sa isang babaeng negosyante sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City.

Ang biktimang si Arlene Gonzales, 49 anyos, may asawa ay binaril patay ng dalawang sakay ng motorsiklo habang nasa harapan ng kanyang bahay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Chief Inspector Jerry Valdez, Chief ng Investigation Section ng Cauayan City Police Station na nakita sa kuha ng CCTV Camera ang paghinto ng isang motorsiklo at bumaba ang isang sakay na nagtungo sa bahay ng biktima.

Kaagad namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril sa biktima.

--Ads--

Agad umanong lumabas ang kasambahay at nakita ang bukas na sasakyan ni Gonzales at nang tinignan niya ay nakita ang duguanG biktima na nakahiga na sa loob ng kanyang sasakyan.

Agad naman siyang dinala sa pinaka malapit na pagamutan ng rescue 922 subalit idineklara ring dead on arrival.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong na basyo ng kalibre 45 baril at dalawang fired bullet.

Isa sa sinisiyasat ng pulisya ay may kaugnayan sa pagpautang ng negosyante.