--Ads--

Karagdagang oportunidad at mga bagong partnership para sa mga Pilipino ang nabuo sa state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan.

Layunin ng mga nilagdaang kasunduan na palakasin pa ang kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa larangan ng digital finance, smart cities, imprastraktura, at iba pang sektor na makakatulong sa pagpapalawak ng kabuhayan at trabaho para sa mga Pilipino.

Kabilang sa mga memorandum of understanding na nilagdaan ng mga business leaders mula sa Pilipinas at Japan, na sinaksihan ng Pangulo, ang mga kasunduan kaugnay ng digital finance, connectivity, smart technology, artificial intelligence, data systems, at digital services.

Inaasahang magbubukas ito ng mas maraming oportunidad sa trabaho, mas maayos na connectivity, mas matatag na imprastraktura, at karagdagang investment sa bansa.

--Ads--

Kabilang sa mga kumpanyang lumagda sa mga partnership agreements ang Ayala Group at ilan sa mga nangungunang kumpanya sa Japan tulad ng Mitsubishi Corporation, MUFG Bank, at KDDI Corporation.