--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng bagong talagang Provincial Director ng TESDA Isabela na ipagpapatuloy niya ang mga programa na naiwan ng dating Provincial Director.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Provincial Director Vilma Camacam Cabrera ng TESDA  Isabela  na malaking hamon sa kanya ang pagkakatalaga sa TESDA Isabela dahil sa buong Pilipinas, ang kanyang tanggapan ang pinaglaanan ng pinakamalaking pondo kung ang pag-uusapan ay ang implementation ng iba’t ibang schoolarship programs sa lalawigan.

Sinabi ni Provincial Director Cabrera na ilan sa mga programa ng TESDA  Isabela ay ang Rice Competitiveness  Enhancement  Fund (RCEF) para sa mga magsasaka.

Sinabi pa ng Provindial Director na natanggap din nila noong Miyekules ang pondo para sa Skills Training For Employment Program na umaabot sa halos P23 million habang ang RCEF program naman ay pinaglaanan ng P55 million.

--Ads--

Bukod dito ay mayroon pang hinihintay na allocation para sa training for Work Scholarship Program.

Inihayag pa niya na tututukan din niya ang mga natukoy na 42 NTF ELCAC barangays ngayong taong 2021 na nasa mga bayan ng Benito Soliven, Jones, San Agustin, San Mariano at Lunsod ng Ilagan.

Tinig ni Provincial Director Vilma Camacam Cabrera.

Si Provincial Director Vilma Camacam  Cabrera ay unang naitalaga sa TESDA Benguet at lalawigan ng Quirino.