--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng grade 10 student na nalunod sa ilog na sakop ng Barangay Lalog 2, Luna, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Grandeur Tangonan ang hepe ng Luna Police Station sinabi niya na hindi sila tumigil sa paghahanap sa katawan ng biktma na si Mark john Dalogdog, 16-anyos, grade 10 student na residente ng San Fermin Cauayan City hangang sa narekober ito ngayong hapon.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente nag wawashing ng kaniyang bisikleta ang biktima kasama ang anim pa nitong mga kaibigan ng matangay ng agos ng tubig ang tsinelas niya.

Sinundan umano ng biktima ang tsinelas hanggang sa napunta siya sa malalim na bahagi ng ilog subalit dahil sa hindi siya marunong lumangoy ay natangay siya ng malakas na agos ng tubig.

--Ads--

Sinubukan naman umano ng mga kaibigan nito na saklolohan ang biktima subalit hindi na umano nila ito nagawang isalba kaya dali dali na silang humingi ng tulong sa mga otoridad.

Samanatala, itinuturing naman nilang isolated case ang naitalang drowning incident ngayong paggunita ng Undas 2024.