--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinilbi na ni Mayor Robert ang kautusan ng Tanggapan ng Ombudsman na suspindihin ng 6 na buwan si Barangay Kapitan Arnel Quesada ng Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela dahil sa paratang na anomalya sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Unang napaulat na ilang barangay kapitan ang sinampahan ng kaso sa Tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng anomalya sa pamamahagi ng SAP.

Kabilang sa kanila si Barangay Kapitan Quesada na unang itinanggi ang mga paratang sa kanya ng ilang kabarangay na nagreklamo sa umano’y hindi patas na pagpili sa mga nabigyan ng ayuda sa ilalim ng SAP.

--Ads--

Pansamantalang pumalit sa puwesto ng sinuspindeng barangay kapitan si first Barangay Kagawad Dominador Go.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Lungan, sinabi niya na dumating sa kanyang opisina ang sulat ng Ombudsman kaugnay ng suspension ni Quesada kaya bilang mayor ng Benito Soliven ay kailangan niya itong isilbi kahit labag sa kanyang kalooban.

Ayon kay Mayor Lungan, ipagpapatuloy ng pumalit na 1st barangay kagawad ang mga programa ng sinuspinding barangay kapitan.

Ang pahayag ni Mayor Robert Lungan.