--Ads--

CAUAYAN CITY- Nabawi ng mga kasundaluhan ang isang M16 armalite rifle na iniwan ng teroristang NPA sa Peñablanca, Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Melvin Asuncion, Hepe ng Division Public Affairs Office, 5th Infantry Division Philippine Army, sinabi niya na natagpuan ang naturang armas sa pamamagitan ng ulat ng isang concerned citizen na mayroong inihukay na baril sa lugar.

Agad namang tumugon ang 95th Infantry Batallon, Cagayan Police Provincial Office, Regional Mobile Force Balatllon at Peñablanca Police Station na dahilan ng pagkakarekober sa sa naturang armas.

Ayon kay Lt. Col. Asuncion, matagal na itong naihukay sa lugar at maaaring hindi na nila nakayanang bitbitin pa ang lahat ng kanilang armas kaya iniwan na lamang ito sa lugar.

--Ads--

Posible pa umanong babalikan sana ito ng mga makakaliwang grupo ngunit nang dahil sa suno-sunod na operasyon ng mga kasundaluhan ay hindi na nila ito nagawang balikan pa.

Malaki naman ang pasasalamat nila sa mamamayan dahil kanilang pakikiisa na matupad ang kanilang hangarin na mawakasan ang ensurhensiya sa lalawigan.

Sa ngayon ay kaunti na lamang ang bilang ng mga makakaliwang grupo na kanilang minomonitor sa nasasakupan ng 5th ID at sisikapin aniya nila mabuwag ang natitira pang mga grupo.