Nasugatan ang isang batang bumibili lamang ng ulam sa gilid ng kalsada matapos na masagasaan ng SUV na hinahabol ng mga pulis sa kahabaan ng pambansang lansangang nasasakupan ng San Fermin Cauayan City.
Batay sa mga nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang suspek ay hinahabol ng mga pulis matapos na tumakas nang makatunog na mga pulis ang katransaksyon nito sa iligal na droga.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Arsad Matuan, ama ng batang nasagasaan, bumibili lamang sila ng manok na uulamin nila kagabi nang makarinig ng busina mula sa humaharurot na SUV at nabangga ang isa sa kanyang anak.
Aniya bagamat nahila niya ang dalawa niyang anak ay nahagip pa rin ang isa sa mga ito sanhi para magtamo ng sugat sa kanyang binti na agad namang dinala sa pagamutan.
Ayon kay Ginoong Arsad tila hinahabol ang tsuper ng SUV sa bilis ng pagmamaneho nito kaya nagulat na lamang sila nang dumating ito sa kanilang kinaroroonan na humaharurot.
This is a developing story…