--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumuhos ang libu-libong mamamayan mula sa iba’t ibang bayan at siyudad sa Isabela sa grand coronation night ng Search for Queen Isabela 2019 na ginanap noong gabi ng Sabado sa F.L. Dy Coliseum sa Cauayan City.

Mula sa 23 na kandidata ay tinanghal na Queen Isabela 2019 si Maria Angelica Dominguez, 18 anyos at residente ng Raniag, Ramon, Isabela.

Siya ay nagtapos ng senior high school at planong mag-aral ng kursong Bachelor of Science in Nursing sa Isabela State University (ISU) Echague main campus.

Ang tinanghal na 1st runner up ay si Bb. Anita Maura Ganaban ng Cauayan City habang 2nd runner up si Bb. Novalyn Lagasca ng Naguilian, Isabela.

--Ads--

Ang Queen Isabela Culture & Arts ay si Ms. Kimberly Jane Madamba Acob ng Cabatuan habang Queen Isabela Tourism ay Ms. si Lovely Mercado ng Roxas, Isabela.

Samantala, bukas sa anumang alok na oportunidad si Bb. Domiguez.

Sa naging eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng dalaga na handa niyang pagsabayin ang pag-aaral sa kolehiyo at pagsali sa mga patimpalak-pagandahan.

Aniya, susunod niyang paghahandaan ang paglahok sa Miss Millennial Philippines 2019 ng isang TV network at kakatawanin niya ang Isabela.

Ang tinig ni Bb.Maria Angelica Domiguez