Inihahanda na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Revenue Memorandum Circular na magpapatupad sa pagtanggal ng Value-Added Tax o VAT sa naturang singil, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa BIR, ilalabas ang circular 15 araw matapos mailathala ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Resolution No. 26, Series of 2026, na nag-uuri sa system loss charge bilang pass-through cost.
Inaasahang makatutulong ang hakbang upang mabawasan ang pasanin ng mga konsyumer sa kanilang bayarin sa kuryente.
Ayon kay ERC Chairperson Francis Saturnino Juan, naghahanda ang BIR ng memorandum circular para ipatupad ang VAT exemption. Kapag nailabas na ito, aatasan ng ERC ang mga distribution utilities na baguhin ang kanilang billing systems.
Gayunman, mas matagal bago tuluyang maalis ang system loss charge dahil kailangan itong gawin nang paunti-unti at mangangailangan ng malaking investment. Tinatayang aabot sa P7 bilyon ang kakailanganin para sa mga kinakailangang pagpapahusay sa sistema ng kuryente.










