--Ads--

Nadakip ng Bureau of Customs (BOC) – Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang babaeng Pilipinong pasahero matapos makasamsam ng hinihinalang ilegal na droga na may tinatayang halagang ₱56.6 milyon.

Ayon sa BOC-NAIA, isinagawa ang interdiction operation ngayong araw, Mayo 6, 2026 sa International Arrival Area ng NAIA Terminal 1 sa Pasay City, katuwang ang iba’t ibang law enforcement agencies.

Ang mga suspek ay dumating mula sa Cambodia at agad na inaresto matapos makumpiska ang humigit-kumulang 8,324 gramo ng puting kristal na substansiyang hinihinalang shabu o methamphetamine hydrochloride.

Natuklasan na nakatago ang ilegal na droga sa loob ng dalawang maleta at isinilid sa mga improvised na pakete na gawa sa carbon paper at packaging tape. Itinago rin ito sa loob ng coffee powder, iba’t ibang coffee packs, at personal na gamit upang hindi mahalata sa inspeksyon.

--Ads--

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente at kung sino pa ang maaaring sangkot sa tangkang pagpupuslit ng droga.