--Ads--

Nakaabante ang Brazil sa Round of 16 ng FIFA World Cup 2026 matapos ang come-from-behind na 2-1 panalo laban sa Japan sa Round of 32 sa Houston, Texas.

Naunang nakapagtala ng goal si Kaishu Sano para sa Japan sa ika-29 minuto upang bigyan ng 1-0 kalamangan ang Samurai Blue sa first half.

Gayunman, nakabawi ang Brazil sa ikalawang yugto nang maitabla ni Casemiro ang laro sa ika-56 minuto bago naisalpak ni Gabriel Martinelli ang game-winning goal sa injury time upang selyuhan ang panalo ng Seleção.

Dahil sa tagumpay, umusad ang Brazil sa susunod na yugto ng torneo habang nagtapos naman ang kampanya ng Japan sa knockout stage.

--Ads--