--Ads--

Naging negatibo ang pananaw ng mga negosyo sa ekonomiya nitong Hulyo dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East, pagtaas ng presyo ng langis at paghina ng investor confidence.

Batay sa Business Expectations Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), bumagsak sa negative 20.3 percent ang business confidence index mula sa neutral na zero percent noong Hunyo.

Bumaba rin ang confidence para sa susunod na tatlong buwan sa 3.7 percent mula 18.8 percent, habang ang year-ahead outlook ay bumagsak sa 29.4 percent mula 42.4 percent.

Samantala, inaasahan ng mga negosyo na aabot sa 5.6 percent ang inflation sa susunod na taon, na higit sa four-percent ceiling ng BSP.

--Ads--