CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng inspeksiyon ang City Disaster Risk Reduction and Managemenent Office Cauayan sa mga resort sa lungsod na inaasahang dadayuhin ng mga tao ngayong long weekend.
Ito ay upang matiyak na sapat ang kaligatasan ng mga bibisita sa mga lugar lalo ang mga maliligo.
Kabilang sa iinspeksyunin ay ang lalim ng mga swimming pool at kung sapat ang mga itatalaga ng bawat resort na tauhan para magbantay sa mga naliligo.
Titignan din kung may mga signage ang bawat resort at kung gaano kalalim ang mga ito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Special Operations Officer Michael Cañero ng CDRRMO Cauayan, sinabi niya na kabilang din sa kanilang inspeksyunin ay kung may mga nakaduty na lifeguards at available life vest ang bawat resort.
Bahagi kasi ito ng programa ng lungsod na dapat ay mayroon ang bawat resort lalo na ngayong semana santa.
Bukod pa rito, magpapakalat din ang kanilang hanay ng mga rescuers sa mga ilog para sa mga magtutungo doon
Sa ngayon ay nakablue alert status na ang opisina at inaasahan na itataas ito sa red alert status sa mga susunod na araw.