--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakdang isagawa sa Camp Melchor Dela Cruz ang change of command para sa pormal nang pagbaba sa pwesto si Maj. Gen. Audrey Pasia bilang commander ng 5th Infantry Division Philippine Army.

Naging Commander si Maj. Gen. Pasia sa 10th Intelligence and Security Unit ng Northern Mindanao, 9th Military Intelligence Battalion ng Bicol Region, 2nd Infantry Batallion sa Albay at 702nd Infantry Brigade na sumasakop sa mga Lugar ng Abra, Besao at Tadian sa Mountain Province bago nagsilbi bilang Assistant Division Commander ng 5th ID.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maj. Rigor Pamittan, Chief ng Division Public Affairs Office ng 5th ID, sinabi niya na hahalili sa iiwang puwesto ni Maj. Gen. Pasia si Brig. Gen. Gulliver Lapitan Señires na kasalukuyang Brigade Commander ng 702nd Infantry Brigade na nakabase sa Central Luzon.

Miyembro si Brig. Gen. Señires ng Philippine Military Academy Class of 1992.

--Ads--

Bago ang Change of Command ay magkakaroon ng testimonial parade interview ngayong araw, Ikadalawamput pito ng Hunyo bilang pagbibigay pugay kay Maj. Gen. Pasia.

Laking tuwa naman ng startroopers na si Brig. Gen. Señires ang bagong commander ng 5th ID dahil hindi na ito bago sa kanilang hanay dahil nagsilbi na rin itong batallion commander ng 50th Infantry Batallion na dating nakabase sa lalawigan ng Kalinga.

Malaki naman ang naging papel ni Maj. Gen. Pasia sa kanyang panunungkulan sa 5th ID sa pagbuwag sa Komiteng Larangang Gerilya Baggas.