--Ads--

Mas pinaiigting ngayon ng mga Kapulisan ng San Mateo, Isabela ang pagbabantay sa mga pangunahing kalsada ilang linggo bago ang pagsisimula ng pasukan sa buwan ng Hunyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Jose Tamang, Deputy Chief of  Police ng San Mateo Police Station, sinabi niya na bilang interbensyon sa naitatalang road crash incident sa kanilang nasasakupan,nagsasagawa sila ng apat na beses na checkpoints sa loob ng 24 oras kung saan napapaalalahanan din ang mga motorista sa pagsunod sa mga umiiral na batas sa trapiko.

Maliban dito ay nagsasagawa rin sila ng information drive sa mga barangay at paaaralan upang maiparating sa publiko ang tama at maingat na pagmamaneho pangunahin na ang mga magulang upang huwag payagan ang kanilang mga menor de edad na anak na magameneho.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang kampanya kampanya kontra ilegal na droga ng mga kapulisan upang mapanatili ang pagiging drug-cleared Municipality ng San Mateo.

--Ads--

Aniya, hindi sila nagpapabaya sa pag-implementa ng mga umiiral na ordinansa sa pakikipagtulungan sa Local Fovernenment Unit at barangay upang maiwasan ang paglaganap ng mga ilegal na gawain sa kanilang nasasakupan.

Kaugnay nito, mayroon silang naarestong isang indibidwal na may kaugnayan sa ilegal na droga, dalawang wanted person sa kasong robbery, at mayroon ding isang nag-surrender ng firearm na maituturing na accomplishement ng kanilang hanay.