--Ads--

Isang Liberian-Australian chef ang opisyal na nakapagtala ng world record matapos magtagumpay sa isang halos imposible at pisikal na mapanghamong layunin: ang pinakamahabang cooking marathon (individual) sa buong mundo.

Si Evette Quoibia, isang restaurant owner ay nagtala ng 140 hours, 11 minutes and 11 seconds nang tuluy-tuloy na pagluluto, na umabot ng mahigit limang araw.

Pinangunahan niya ang rekord-breaking attempt sa isang culinary school sa Melbourne, kung saan binuksan niya ang kanyang kusina para sa publiko at nagluto ng mga pagkaing may impluwensyang Liberian, Nigerian, Asian, at Australian.

Hindi naging madali ang daan papunta sa tagumpay. Ayon kay Evette, pinaghandaan niya ito sa loob ng dalawang buwan, kasama ang tulong ng kanyang simbahan, mga volunteer sa kusina, at isang event planner.

--Ads--

Bukod pa rito, nagsagawa rin siya ng crowdfunding para pondohan ang mga sangkap at gamit sa kusina.

Ang dating record na 119 hours, 57 minutes and 16 seconds na hawak ni Alan Fisher ng Ireland ay nalampasan ni Evette sa kabila ng matinding pagod, init, at kawalan ng sapat na pahinga, dahil sa bawat apat na oras ay pinapayagan lamang siyang mag-break ng 20 minuto

Nagdiwang si Evette kasama ang kanyang pamilya, komunidad, at simbahan matapos ma-break niya ang record.