Isang mabilisang pagpapalaman ng tinapay ang ipinamalas ni Zeinab Bance matapos niyang makuha ang Guinness World Record para sa pinakamabilis na paglalagay ng butter sa sampung pirasong tinapay sa loob lamang ng 16.65 seconds.
Si Zeinab, na isang propesyonal na chef, ay nagawang higitan ang dating rekord nang may lamang na 4.15 seconds. Ayon sa kanya, ang sikreto ng kanyang bilis ay ang maayos na pagpaplano, kabilang ang paghahanda ng tamang lambot ng butter at strategic na pagkakahanay ng mga tinapay.
Hindi lang pagpapalaman ng butter ang kanyang nakamit, dahil sa parehong araw ay nakuha rin niya ang titulo para sa pinakamabilis na pagpapahid ng peanut butter sa 10 tinapay sa loob ng 25.70 seconds.
Upang maiwasan ang pag-aaksaya, kinain ng kanyang support team ang lahat ng tinapay na ginamit sa matagumpay niyang world record attempt.











