--Ads--

CAUAYAN CITY- Kasalukuyan nasa pagamutan ang Hepe ng Bagabag Police Station matapos na sumalpok sa kasalubong na dumptruck ang sinasakyan nitong SUV sa Barangay Nueva Era, Cabatuan, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Romeo Mabea ang Chief of Police ng Cabatuan Police Station sinabi niya na sangkot sa aksidente ang SUV na minamaneho ni si PMaj. Oscar Abrogena hepe ng Bagabag Police Station sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya at Isuzu Forward Dump Truck ay minamaneho ni Rodrigo Tagudan Jr, 30-anyos, residente ng Brgy. Villaflor, San Isidro, Isabela.

Sa inisyal na pagsisiyasat sa PNP binabagtas ng dalawang sasakyan ang Pambansang kalsada sa magkasalungat na direksyon at ng makarating sa pinangyarihan ang aksidente at nawalan umano ng kontrol sa manibela si Pmaj. Abrogena sanhi para mapunta ito sa kabilang linya ng kalsada at sumalpok sa kasalubong na dumptruck.

Dahil sa lakas ng bangaan at nawasak ang harapang bahagi ng dalawang sasakyan habang nagtamo ng sugat sa katawan si Pmaj. Oscar Abrogena at misis na si ginang Vicky Abrogena at sa kasalukuyan ay inilipat na sa Isabela United Doctors Medical Center o IUDMC ang hepe.

--Ads--

Batay sa kanilang mga nakalap na impormasyon mechanical error ang sanhi ng aksidente batay na rin sa ng mga sangkot sa tsuper.