Maikling mensahe lamang ang ibinahagi ni Atty. Zuleika Lopez, chief of staff ni Vice President Sara Duterte, matapos ang kanyang pagbisita sa Senado ngayong Huwebes.
“Prepare for Typhoon Inday,” ang tanging sinabi ni Lopez sa mga media sa isinagawang ambush interview bago siya tuluyang umalis sa Senado.
Hindi na ito nagbigay ng anumang karagdagang pahayag o sumagot sa iba pang katanungan ng media.
Ang kanyang pagbisita ay naganap ilang araw bago ang nakatakda niyang pagharap sa impeachment court sa susunod na linggo bilang testigo sa impeachment trial ni Duterte.
Noong Miyerkoles, inaprubahan ng impeachment court ang pagpapalabas ng subpoena laban kay Lopez upang obligahin siyang humarap at tumestigo kaugnay ng Articles of Impeachment na may kaugnayan sa umano’y pagbabanta ng Bise Presidente kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.









