--Ads--

Muling iginiit ng China na hindi nito kinikilala ang 2016 arbitral award sa South China Sea, kasunod ng pahayag umano ng Poland na obligado ang Beijing na sumunod sa naturang desisyon at sinusuportahan nito ang Pilipinas sa usapin.

Ayon kay Chinese Embassy spokesperson Ji Lingpeng, itinuturing ng Beijing na “illegal, null and void” ang arbitral award at wala umano itong binding force sa China.

Hinimok din ng Chinese Embassy ang Poland na maging maingat sa mga pahayag nito, dahil hindi umano ito partido sa South China Sea dispute.

Samantala, sa 2016 ruling, sinabi ng arbitral tribunal na walang legal na batayan ang pag-angkin ng historic rights ng China sa mga maritime area na lampas sa mga karapatang pinahihintulutan ng UNCLOS. Ang Permanent Court of Arbitration ang nagsilbing registry ng proceedings.

--Ads--

Patuloy namang tinatanggihan ng China ang naturang ruling at sinasabing hindi ito kinikilala o tinatanggap ng Beijing.