--Ads--

Inihayag ni Undersecretary Renato “Aboy” Paraiso ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na magsasampa sila ng disbarment case laban kay Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Atty. Harold Respicio.

Ayon sa opisyal, naniniwala silang may sapat na basehan upang sampahan ng disbarment ang naturang abogado dahil sa mga pahayag nito kamakailan.

Giit pa niya, kung ihahambing sa kaso ni disbarred lawyer Larry Gadon, mas nakikita umano nila ang matibay na dahilan para isulong ang disbarment laban kay Atty. Respicio.

Kasabay nito, personal na nagtungo si CICC Usec. Paraiso upang magsampa rin ng reklamo laban sa bise alkalde sa National Bureau of Investigation (NBI).

--Ads--

Kabilang sa mga isinampang kaso ang inciting to sedition, rebellion, at unlawful public utterances.

Ayon sa reklamo, nag-ugat ito sa umano’y mga pahayag ng vice mayor na nag-uudyok sa publiko na magsagawa ng rebelyon laban sa gobyerno.

Dahil dito, ipinatatawag ng NBI si Atty. Respicio upang magsumite ng kanyang paliwanag hinggil sa mga paratang.