Handang harapin ni Atty. Harold Respicio, Bise Alkalde ng Reina Mercedes, Isabela ang kasong isinampa ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na inciting to sedition at rebellion laban sa kaniya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Respicio, sinabi niya na hindi pa niya alam kung anong eksaktong pahayag niya ang ginamit na basehan ng CICC sa pagsasampa ng kaso ngunit malinaw aniya na ito ay may kaugnayan sa mga naging statements nito sa social media na sinasabi umanong unlawful utterances at maituturing na inciting to sedition at rebellion.
Pag-amin ni Respicio, medyo sinasadya niya ang ilan sa mga pahayag nito na layuning ‘kilitiin’ ang mga nasa pamahalaan, subalit giit niya na isa siyang abogado at alam niya ang kaniyang mga ginagawa.
Ang mga naging pahayag niya kamakailan ay hindi umano nami-meet ang elements ng speech crime dahil ang mga ito ay ‘in theoretical terms’ na maaaring iba lang ang pagkaka-interpret ng pamahalaan.
Sa ngayon, wala pang pakikipag-ugnayan sa kaniya ang National Bureau of Investigation, at wala pa siyang natatanggap na subpoena kaugnay sa naisampang kaso.
Wala naman umano siyang plano sa ngayon maliban na lamang umano sa pagpapatigil ng korapsyon, at integridad ng demokrasya.











