Naka heightened alert na ang Philippines Coast Guard bilang bahagi ng kanilang OPLAN Biyaheng Ayos ngayong Semana Santa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ens. Christian Pascua ang Assistant Public Information Officer ng Coast Guard District Northeastern Luzon, sinabi niya na naka heightened alert na ang PCG mula pa noong April 13 na tatagal hanggang April 20 na bahagi ng kanilang OPLAN Biyaheng Ayos.
Nasa kabuuan ng 17,000 PCG personnel ang nai-deploy para magsagawa ng 24 hours monitoring, pre-departure inspections, at pagbabantay sa mga pantalan maging maliliit ng pantawid dagat.
Sa ngayon ay normal pa ang biyahe sa mga pantalan subalit inaasahang dadagsa ang mga pasahero ngayong araw hanggang bukas.
Tiniyak ng PCG na may mga K9 units silang naka stand by para sa mabilisang pagtugon sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Isa sa mga binabantayan niala ay ang pantalan sa Sta. Ana,Cagayan na siyang may ruta sa Palanan, Maconacon, Divilacan maging Calayan,Cagayan.
Umaasa ang PCG na walang anumang aberya sa karagatan na maitatala ngayong Semana Santa dahil sa nanatiling kalmado ang alon at walang anumang sama ng panahon.
Paalala nila sa mga pasahero na iwasang magdala ng anumang bagay na mahigpit ipinagbabawal gaya ng mga deadly at bladed weapon maging mga iligal na droga.
Maliban sa mga pantalan ay babantayan din nila ang mga tourist destination gaya ng mga beach and resorts.