--Ads--

Patay ang isang magsasaka matapos saksakin ng kanyang kapitbahay sa Brgy. Bangad, City of Ilagan, kagabi, Hunyo 3, 2026.

Ang biktima ay isang 51-anyos na magsasaka habang ang suspek ay isang 37-anyos na construction worker.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nag-ugat ang krimen sa mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at asawa ng suspek dahil sa hindi pagkakaunawaan sa koneksyon ng Wi-Fi.

Pauwi na sana ang suspek mula sa pagpapainom ng baka nang makasalubong ang biktima na armado umano ng tubo at nagbanta na hahampasin siya. Dahil dito, bumunot ng itak ang suspek at tatlong beses na sinaksak ang biktima.

--Ads--

Bagamat naisugod pa sa ospital ang biktima ay idineklara itong dead on arrival.

Samantala, kusang-loob namang sumuko ang suspek sa mga opisyal ng barangay at pulisya matapos magtago sandali sa bahay ng kanyang tiyahin.

Sa ngayon, inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang kasong isasampa laban sa suspek.