--Ads--

Nagsimula na ang Comelec Cauayan City sa distribusyon ng Identification Card o ID para mga magsisilbing poll watchers ng mga kandidato sa darating na halalan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Johanna Vallejo, Election Officer ng Comelec Cauayan City sinabi niya na personal nilang inaabot sa mga representative poll watchers ang nasabing mga ID.

Ang bawat kandidato sa pagka-Mayor at Bise Mayor ay inabisuhang magsumite ng 262 na poll watchers na itatalaga sa 131 polling centers sa lungsod ngunit hindi nila ito nakumpleto.

Ang mga kandidato naman sa pagka-konsehal ay may tig-isang poll watcher sa bawat presinto.

--Ads--

Natapos ang pagsusumite ng mga pangalan ng watchers noong Lunes at ang mga naaprubahang pangalan lamang ang nakatanggap ng ID mula sa Comelec.

Sa pagsusumite ng pangalan sa electoral board ay dito na rin nila sinimulan ang distribusyon ng mga ID para sa mga nais nang mag-claim.

Ang nasabing mga ID ay pare-pareho ng disenyo kahit hindi magkakapareho ng sinusuportahang kandidato ang mga poll watchers.