Magsasagawa ng full preliminary investigation ang Commission on Elections (Comelec) laban kay Senador Chiz Escudero kaugnay ng umano’y ilegal na campaign contributions, matapos magsampa ng pormal na reklamo si Atty. Jesus Falcis.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nasa Law Division na ang bagong kaso at may kalakip itong mga dokumentong maaaring maging batayan ng imbestigasyon o pag-akyat ng usapin sa Comelec en banc.
Nauna nang ibinasura ng Comelec ang motu proprio inquiry sa parehong alegasyon dahil sa doctrine of immunity from suit na pumoprotekta sa mga nakaupong opisyal, ngunit nilinaw na maaari pa rin silang managot matapos ang kanilang termino sa 2028.
Giit ni Garcia, hindi permanenteng proteksyon ang immunity from suit at maaaring panagutin ang sinumang opisyal kapag natapos na ang kanilang panunungkulan.










