--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatanggap ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ng panibagong kagamitan mula sa DOH Central Office.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC na may dumating na isang Digital Mobile and Xray sa pagamutan na magagamit sa mga COVID-19 patients sa COVID ward ng ospital.

Aniya, sa pamamagitan ng kagamitang ito ay makikita agad ang resulta pagkatapos na ma-xray ang isang pasyente.

Ilalagay ito sa COVID ward ng pagamutan dahil napakahalaga aniya na maisailalim sa xray ang isang COVID-19 patient lalo na sa mga may commorbidities dahil ang tinatamaan ng virus ay ang respiratory system.

--Ads--

Bukod sa Digital Mobile and Xray ay may dumating din na bahagi ng mammograph o ang machine na magsasabi kung ang bukol na nararamdaman ng isang pasyente sa kanilang breast ay cancerous o hindi.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao.