--Ads--
Dalawa ang nasawi habang tatlo ang kritikal na nasugatan matapos ang pamamaril sa isang high school ice hockey game sa Pawtucket, Rhode Island.
Ayon sa pulisya, ang pinaghihinalaang gunman ay namatay matapos barilin ang kanyang sarili. Ang insidente ay posibleng may kaugnayan sa isang pamilya, ayon sa mga awtoridad.
Makikita sa video ang takbuhan ng mga manonood at atleta para maghanap ng ligtas na lugar kasabay ng sunud-sunod na putok ng baril.
Ipinadala na ng FBI ang kanilang Boston Division para tumulong sa imbestigasyon.
--Ads--
Ang insidente ay kasunod ng pamamaril sa Brown University dalawang buwan na ang nakalipas, na ikinasawi ng dalawang estudyante at ikinasugat ng siyam.





