--Ads--

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating mamamahayag at television host na si Jay Sonza kaugnay ng kasong cyberlibel sa kanyang bahay sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi, Abril 30.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, isinagawa ang operasyon matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Pasay City Regional Trial Court nitong Huwebes. Agad namang dinala si Sonza sa kustodiya ng NBI.

Sinabi rin ng kanyang abogado na si Atty. Mark Tolentino na agad siyang pupunta sa NBI upang tiyakin ang proteksyon sa karapatan ng kanyang kliyente, na isa nang senior citizen.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ng NBI noong Pebrero laban kina Sonza at vlogger na si Jeffrey Luces Celiz, dahil sa umano’y pagpapakalat ng pekeng medical records ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

--Ads--