--Ads--
Muling nadakip ang vlogger na si Norman Mangusin, na mas kilala bilang Francis Leo Marcos, sa isang resort at casino sa New Seaside Drive sa Barangay Tambo, Parañaque City dakong alas-5:40 ng hapon kahapon.
Isinilbi sa kanya ang warrant of arrest kaugnay ng tatlong bilang ng kasong cyberlibel.
Matatandaang naaresto na rin si Mangusin noon dahil sa 12 bilang ng kasong unjust vexation na isinampa ng kapwa niya vlogger na si MG.
Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Detection and Special Operations Unit sa Camp Crame habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.
--Ads--











