--Ads--

Sinabi ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na walang kaalaman ang mga opisyal at empleyado ng city government na may interest si Vice President Sara Duterte sa GenCorp Industries Inc.

Ayon kay Baste, 19 na kontrata ang nakuha ng GenCorp sa Davao City na nagkakahalaga ng mahigit P33.2 milyon.

Aniya, hindi lumitaw ang pangalan ni Sara o apelyidong Duterte sa mga dokumentong isinumite ng kumpanya sa city government.

Sinabi rin ni Baste na dumaan sa procurement process ang lahat ng transaksyon at 13 dito ang natapos na, habang anim ang ongoing.

--Ads--

Inaasahang tatalakayin ang mga transaksyon ng GenCorp sa pagharap ni Baste bilang testigo sa impeachment trial ni VP Sara.