--Ads--

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 matapos madiskubre ang isa pang bangkay nitong Linggo, 27 araw matapos lumubog ang nasabing barko sa karagatan ng Basilan.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), natagpuan ng mga technical divers ang bangkay sa ilalim ng tubig, kaya umakyat na sa 65 ang bilang ng mga nasawi.

Itinakda naman ang bilang ng mga nawawala sa 14, habang 293 ang bilang ng mga nakaligtas.

Ayon sa Department of Transportation o DOTr,  naghahanda itong magsampa ng mga administrative cases laban sa Aleson Shipping Lines, ang may-ari ng M/V Trisha Kerstin 3, upang kanselahin at bawiin ang Certificate of Public Convenience (CPC) nito.

--Ads--

Dagdag pa ng ahensya, tatlong opisyal ng Maritime Industry Authority (Marina) ang direktang sangkot sa pag-isyu ng mga safety certificate ng barko.

Samantala, anim na tauhan ng Coast Guard ang inilagay sa preventive suspension habang nagsasagawa ang PCG ng hiwalay na imbestigasyon sa paglubog at iba pang posibleng paglabag.