--Ads--

Maglalabas ng desisyon sa Miyerkules ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng May 2025 Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ni Senator Rodante Marcoleta, ayon kay Comelec Chairperson George Garcia.

Sinabi ng Comelec na nakararanas sila ng ilang “komplikasyon” sa pagresolba ng kaso matapos i-refer ng Office of the Ombudsman sa Comelec ang isang kaugnay na reklamo. Kinukuwestiyon sa naturang reklamo ang SOCE ni Marcoleta pati na ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN.

Batay sa isinumiteng SOCE ni Marcoleta, umabot sa P139.9 milyon ang kanyang ginastos para sa kampanya noong 2025 senatorial elections. Mas mataas ito kumpara sa kanyang idineklarang SALN na nagkakahalaga lamang ng P51,965,559.

Nakapagtala rin sa kanyang SOCE na wala siyang natanggap na donasyon para sa kampanya.

--Ads--

Nauna nang inamin ni Marcoleta na hindi niya idineklara sa kanyang SOCE ang mga kontribusyong natanggap niya para sa halalan noong Mayo 2025 dahil umano sa kahilingan ng kanyang mga donor na manatiling anonymous.