--Ads--

Asahan ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ay kasunod ng patuloy na mababang presyo ng inaangkat na langis sa unang tatlong araw ng trading ngayong linggo.

Batay sa datos mula Abril 13 hanggang 15, tinatayang bababa ang presyo ng diesel ng P16.80 kada litro, gasolina ng P3.20 kada litro, at kerosene ng P2.60 kada litro.

Gayunman, may natitira pang dalawang araw ng trading kaya maaari pang magbago ang mga nasabing halaga. Inaasahang iaanunsiyo ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na presyo sa Lunes Abril 20 at ipatutupad ito sa araw ng Martes.

--Ads--