--Ads--

Nilinaw ng isang Law Professor na may karapatang magsagawa ng imbestigasyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa mga posibleng sangkot sa extra judicial killings sa ilalim ng administrasyong Duterte.  

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Randy Arreola, sinabi nito na batay sa rules ng international court, kung sakaling may conflict sa local at international provision kaugnay sa kasong crimes against humanity ay mananaig ang lokal na batas sa ilalim ng Regional Trial Court.

Bagama’t na-isurrender na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Internatioal Criminal Court ay mahihirapan umano ang mga imbestigador ng ICC na pumasok sa Pilipinas dahil sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute kaya pwedeng mag-imbestiga ang local police.

Subalit kung kapulisan sa pilipinas ang mag-iimbestiga, dapat umanong I-file ang kaso sa Pilipinas kahit pa man isurrender ng local police ang resulta ng kanilang pagsisiyasat.

--Ads--

Hindi lamang aniya malinaw kung bakit ngayon lamang nagpahayag ng kagustuhan ang mga opisyal na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa naturang kaso kung sa una pa lang ay Pilipinas na ang may hurisdiksyon dito.

Ayon kay Atty. Arreola, kung sakali mang mayroon nang ma-isyu na warrant of arrest mula sa ICC laban sa mga sangkot ay kinakailangan pa rin itong dumaan sa local court upang malaman ang validity ng warrant at identity ng aarestuhing indibidwal.