--Ads--

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na hindi nila isinasantabi ang kaso ng mga nawawalang sabungero at patuloy na nakatutok ang mga prosecutor upang mapanagot ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at iba pang sangkot sa pagkawala ng mga ito ilang taon na ang nakalipas.

Kasunod ito ng pangamba ng ilang kaanak ng mga nawawala na maaaring maapektuhan ang kaso matapos umamin ang abogado ni Ang na nagbigay umano ng tulong pinansyal sa ilang pamilya.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, may iba pang ebidensiyang hawak ang mga awtoridad bukod sa testimonya na mas matibay na batayan sa kaso.

Mariin namang itinanggi ng kampo ni Ang na ang ibinigay na pera ay may kaugnayan sa pag-atras ng reklamo ng mga pamilya.

--Ads--

Kasalukuyang nahaharap si Ang sa iba’t ibang kaso sa mga korte sa Laguna at Batangas, kabilang ang kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention.