Ilulunsad ngayong taon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang programang JobStart Philippines bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang matulungan ang mga kabataang nahihirapang makahanap ng trabaho.
Ayon kay Ginoong Reginald Estioco, Provincial Head ng DOLE Isabela, sinabi niya na unang isasagawa ang programa sa mga lungsod ng Cauayan at Tuguegarao kung saan inaasahang maraming kabataan at job seekers ang makikinabang sa mga career coaching at employment opportunities na ihahandog ng programa.
Sinabi rin nito na patuloy nilang pinalalawak ang implementasyon ng JobStart program upang mas marami pang residente ang makinabang, partikular ang mga fresh graduates, out-of-school youth, at mga naghahanap ng disenteng trabaho.
Sa ilalim ng JobStart Philippines Program ng pamahalaan, sasailalim ang mga benepisyaryo sa iba’t ibang pagsasanay at orientation upang maihanda sila sa pagpasok sa trabaho at matugunan ang kakulangan sa karanasan at kasanayan na karaniwang hinahanap ng mga employer.
Layunin ng programa na mabigyan ng mas malaking oportunidad ang mga kabataan na magkaroon ng trabaho at makatulong sa pagpapababa ng unemployment rate sa lalawigan.











