--Ads--
Bumagsak ng 21.9% ang halaga ng domestic trade ng Pilipinas sa ikalawang quarter ng 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA.
Mula ₱955.18 bilyon noong 2nd quarter ng 2025, lumiit ito sa ₱745.7 bilyon ngayong taon.
Malaki ang naging epekto ng pagbaba ng mga produktong iniluluwas sa pamamagitan ng tubig, na bumagsak ng 56% ang halaga at 56.7% ang volume.
Samantala, tumaas ng 9.8% ang halaga ng mga produktong dinadala sa pamamagitan ng kalsada sa ₱542.73 bilyon, kahit bumaba ng 18.1% ang volume nito.
--Ads--
Sa mga rehiyon, CALABARZON ang may pinakamalaking halaga ng commodity outflows sa ₱331.63 bilyon, habang NCR naman ang nanguna sa inflows na ₱361.56 bilyon.










