--Ads--

CAUAYAN CITY- Muling nagpaalala ang Department of Public Works and Highways hinggil sa pagbabawal sa pagbibilad ng mga palay at mais sa mga kalsada ngayong panahon ng anihan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Maricel Acejo ng DPWH Region 2, sinabi niya na alinsunod sa Presidential Decree 72, mahigpit na ipinagbabawala ng pagbibilad ng mga agricultural products sa mga pangunahing tulay at kalsada sa bansa na nagdudulot ng obstruction sa daan na maaaring maging sanhi ng aksidente.

Mayroong din umanong mga internal orders na sinusunod ang kanilang tanggapan na naglalayong paigtingin ang implementasyon ng naturang batas kung saan mahigpit ang ginagawang monitoring ng kanilang technical personnel sa mga pangunahing kalsada.

Alinsunod sa batas, ang mga mapapatunayang lalabag sa batas ay papatawan ng multa na hindi bababa sa 1,000 pesos at pagkakakulong na hindi lalagpas ng 6 Months.

--Ads--

Nilinaw naman niya na ang mga masisita sa unang pagkakataon ay mabibigyan muna ng warning ngunit kung naulit pa ay doon na sila papatawan ng karampatang parusa.

Nakikipag-coordinate naman ang DPWH sa mga Local Governement Units upang matiyak ang mahigpit na implementasyon nito.

Batay sa kanilang monitoring marami umano silang naoobserbahan na mga magsasakang nagbibilad sa mga pangunahing kalsada partikular sa lalawigan ng Isabela.